-
Recent Posts
- The dripping of a faucet, a never-ending cycle of solitude
- Dearth and Cigarettes | Pagdarahop at mga Sigarilyo
- Siyam, mga sagot na ‘di pa natin alam
- A ‘Free’ Novel: Lila ang Kulay ng Pamamaalam | 12.26.12
- nauulit-ulit din
- Si Girlie Policarpio ng Powerbooks Shangri-la
- to spite me.
- sa uniberso ng gutom (5)
- Walang Kamatayan ang Musikang Pilipino
- sa ngayon, ito lang alam ko.
- ang mga paborito kong manunulat.
- panulat at kwaderno
- Calle Bucareli Blues
- isang tanong bago ang kwento.
- Imus
- ‘pag ganitong nawawala ka.
- 14d302
- Georgina Wilson in Four Forms
- sa uniberso ng gutom (4)
- sa uniberso ng gutom (3)
- sa uniberso ng gutom (2)
- sa uniberso ng gutom.
- the beat goes on.
- Mayo Uno, Para Sa’yo.
- Nocturne in E minor, Piazza Secreto
- 2, ’99, ‘sang gabing ‘di romantiko
- Cifriano dela Peña, Zipper for Short
- magbabasa na lang ako ng libro sa liwasang idinisenyo mo
- Libido et Liquido
- Tonight, I Will Try
- Malayang Berso, Hindi Mabilang na mga Taon
- Nobyembre, paghahambing
- Para kay Ray, Hustiya sa Pamamaalam ng Isang Kaibigan
- ngayong gabi sa bakanteng papag magtatapos ang lahat
- Palawan.
Archives
Categories
panahon
May 2013 M T W T F S S « Apr 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
The dripping of a faucet, a never-ending cycle of solitude
Posted in RM Topacio-Aplaon
Leave a comment
Dearth and Cigarettes | Pagdarahop at mga Sigarilyo
Dearth and Cigarettes
I
Baguio, 2007:
The Years of Dearth
While she delighted herself with the promises of their love and with what had made their bed appear like brine recovering from a recently fulfilled tussle between two imaginary battleships that in truth were only two maudlin souls—the first one, lying naked in the bed, smoking a Cuban cigarette, the second, sitting by the table—he thrilled to the vignettes of phrases written in his notebook, stories devoid of fathomable adjectives that would soon complete a yarn that did not involve the two of them, not even what was between their unclad bodies.
But the only thing he could do was to close the notebook, for he did not know what to write, inasmuch as his heart, despite being only a few inches away from Mikaela, belonged to something else, or, perhaps, to a space he never thought would haunt him thereafter, to a fissure owned by his unread and unfinished novels.
A few drops of rain had begun to fall and they immediately blurred the light that the incandescent, bulbous moon provided for those who were blinded by the jet-black firmament above. The Baguio rainwater had already sketched abstract designs upon the window, and the topiary semicircles and queues of pale pine trees had finally become shadowy in the eyes of their only audience: Mityenka and Mikaela.
Five or four long years ago, he had no idea that the spaces, the vacuum, or whatever that was missing from his writings was a question. He loved Mikaela, and life to him was looking for her smell in her nonexistence and death was yearning for her absence. But time is a swindler that tricks actuality better than the ruse’s way itself. It convinces the eyes that what it does is not a form of deception but rather a mere presentation of reality. It turns the imbecile into a dunce who is unmindful of the delightful niceties around him—thus, an empty soul.
Mityenka looked at the slope of Mikaela’s legs. From the velvety human skin that wrapped the female thigh he encouraged his eyes to her belly, then to her breasts, to her face that was slowly becoming evident in the blurring cigarette smoke and, finally, to her heart: he had no inkling that they weren’t made for each other—he had thought he had Mikaela in his arms. But everyone knew the sole purpose of two bare souls inside a bleak hotel room. Everyone—the unwelcoming walls, the antiquated body mirror that stood by the space between the window and the door, the dying sunflower inside a grimy transparent flower vase, the taciturn desks, and the aloof cupboards, the useless louver and the German heater, or even the muted TV set and the plump news anchor who spoke in outlandish tongue—understood that they had to unite, for they were lovers, and they needed to explore what was beneath their unclothed fleshes, their weary skins, their yearning spirits, the indescribable state of their bones. Above, the watchful chandelier that firmly clung on the somber ceiling asked: If he could not possess her with his hands, lips, and verses, or with his sacrifices, how could he even possess himself? Below: Atop the russet writing table, beside an empty styro cup, which brim slightly stained by a coagulated coffee, was a manuscript devoid of meaning, of depth, of continuity.
II
The Cigarette:
A Memento, A Conduit
Humans have the revolting strength to bathe in orgies of self-inflicted pain, yet lack the courage to face the verity of death; ostentatiously, they anesthetized themselves by embracing the specious principle that they are inherently audacious to accept grief, but in truth all they want is to please the invisible spectators before them, waiting for the humans to deteriorate, to break asunder.
A fact that remains hitherto unknown to him. Or possibly he just wants to forget the past and indulge himself with more tangible truth: it has been a year since he first experienced his autonomy, and he is now writing as he pleases—incessantly, as though he is a 1920s industrial automaton designed to reconcile the clutters of the past wars with the growing commercial needs of a resurging country.
He understands that he is no country, but rather a nameless storyteller whose only pleasure comes from telling stories. Yet, he is aware of the regions etched and carved upon the geometry of his flesh and skin. He knows that the lines that mark the link between his elbows and arms or fingers and hands are not just mere lines or natural creases that let him move or bend: they are, as he feels it, the smudge given by the jumbled wars or vestiges of his past, of dearth, of Mikaela.
But the things that humans avoid are the very same things that irk them. These things, nonetheless, would not appear as they were the very first time they met the human in question, but as something slightly inconspicuous, a decipherable metaphor.
“So you are Mityenka,” the new girl says. “Nice glasses, by the way.”
He smiles, not because the lass before him is undoubtedly attractive, but because under the glass table that separates them is a slender hand whose two fingers are daintily holding a familiar article: a Cuban cigarette.
…
Pagdarahop at mga Sigarilyo
I
Baguio, 2007
Mga Taon ng Pagdarahop
Habang pinaliligaya niya ang sarili sa mga pangako ng kanilang pag-ibig at sa kung anuman ang nagbigay sa kama nila ng anyong tila tubig-alat na nanunumbalik pa lamang sa katatapos na tunggalian ng dalawang kathang-isip na mga barkong pandigma na sa totoo nama’y di magkatunggali ngunit dalawang sentimental na mga kalul’wa—ang una, nakahubad sa kama, humihithit ng sigarilyong mula sa Cuba, ang pangalawa, nakaupo sa tapat ng lamesa—inaaliw naman niya ang sarili sa mga piraso ng mga parirala na nakasulat sa kaniyang kwaderno, mga kwentong pinagkaitan ng mga pang-uring balang araw, magbibigay kaganapan sa isang kwentong hindi sila nabibilang, maging ang kung anuman ang nasa pagitan ng kanilang walang-saplot na mga katawan.
Ngunit sa ngayon, ang ‘sang bagay na maari lang niyang magawa ay isara ang kwaderno, sapagkat ‘di na niya alam ang susunod na isusulat, dahil ang puso niya, bagamat ilang pulgada lamang ang layo mula kay Mikaela, ay nabibilang sa ibang bagay, o, siguro, sa isang espasyo na ‘di niya kailanman natunugang guguluhin siya mula sa panahong ‘yon, sa isang pagitang pagmamay-ari ng kaniyang di-pa-nababasa at natatapos na mga nobela.
Nagsimula nang bumuhos ang ulan na mabilis namang pinalabo ang liwanag na ibinibigay ng bumbilyang buwan sa mga binulag ng walang hanggang kadiliman ng kalangitan sa kaitaasan. Nagsimula na ring gumuhit ng mga abstrakong disenyo sa bintana ang tubig ulan ng Baguio, at mga arko at pila ng mga puno ay naging malabo at tila anino na lamang ng kanilang tanging manunuod: si Mityenka at Mikaela.
Lima o apat na mahahabang mga taon nang nakararaan, wala siyang muwang na ang mga espasyo, kakulangan, o kung anumang nawawala sa kaniyang mga panulat ay isang tanong. Mahal niya si Mikaela, at ang buhay sa kaniya ay ang paghahanap sa kaniyang samyo sa kaniyang kawalan, at ang kamatayan ay ang pangungulila sa mga panahong wala siya sa kaniyang tabi. Ngunit ang panahon ay mandarambong na niloloko ang realidad higit pa sa kayang gawin ng mismong panlilinlang. Napapaniwala nito ang mga mata na ang mga ito ay hindi anyo ng panloloko, ngunit, sa halip ay isang paglalahad ng katotohanan. Ginagawa nitong mangmang ang isang nilalang na walang-malay sa mga kaakit-akit na kaalaman sa paligid niya—sa makatuwid, kaluluwang lagalag.
Tumingin si Mityenka sa hilatsa ng mga hita ni Mikaela. Pinagbigyan niya ang mga mata na tumitig mula sa makinis na balat na bumabalot sa dalagang hita ng pangalawa, patungo sa tiyan nito, sa mga suso, at sa mukha na dahan-dahan nang nagiging bunyag sa lumalabo at nagpapaalam na usok ng sigarilyo at, huli, sa kanyang puso: kailanman, ‘di niya naisip na hindi sila nilikha para sa isa’t isa—inakala niyang matagal na niyang nakulong si Mikaela sa kaniyang mga braso. Ngunit alam ng lahat ang dahilan kung bakit nasa isang silid ng lumbay ang dalawang kalul’wang hubad. Lahat—ng mga di-mapag-anyayayang mga pader, ng antigong salamin sa katawan na nakatayo sa espasyo sa pagitan ng bintana at ng pinto, ng namamatay na sunflower sa loob ng marusing na salamin at pahabang lalagyan nito, sa mapag-isang mga muebles, sa walang sibling siwang at sa makinang tagapag-painit na mula sa Alemanya, at kahit ang telebisyon at ang bilugang tagapag-balita na nagsasalita sa banyagang dila—ay naiintindihan na kailangan ng dalawang mga kalulwang ito na magsama, dahil sila’y nag-iibigan, at kailangan nilang tuklasin ang kung anumang nagkukubli sa ilalim ng kanilang hubad na mga laman, sa kanilang pagal na mga balat, sa nangungulilang mga espiritu, sa hindi-mabigyang kahulugang estado ng mga buto. Sa ibabaw, ang mapagmasid na ilaw na mahigpit na nakakapit sa kisame ay nagtatanong: Kung ‘di niya kayang angkinin ang babae sa harap niya sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, mga labi, ng mga berso, o ng kaniyang mga pagsusumikap, paano niya pa kayang aariing ganap ang kaniyang sarili? Sa ilalim niya: Nakapatong sa kayumangging sulatan, sa tabi ng basong ang labi ay bahagya nang narusingan ng natuyong kape, ay manuskriptong pinagkaitan ng kahulugan, ng lalim, ng pagdaloy.
II
Ang Sigarilyo:
Isang Patago, Isang Tulay
Ang tao ay may nakakasulasok na kakayahang maligo sa walang humpay na pagpapasasa sa pagbibigay sa kaniyang sarili ng hapdi, ngunit kulang siya sa tapang na harapin ang katotohanan ng kamatayan; magpapanggap siyang kaya niyang yakapin ang walang-saysay na prinsipyong sila’y may kakayahang tumanggap ng pagluluksa, ngunit sa totoo nama’y ang gusto lang naman nila’y aliwin ang mga di-nakikitang manunuod sa harap nila, mga manunuod na naghihitay sa kanilang pagkupas, hanggang sila’y magkapira-piraso.
Isang katotohanang hanggang ngayo’y lihim pa rin sa kaniya. O siguro gusto lang niyang malimot ang nakaraan at lumublob sa mas nahahawakang katotohanan: isang taon na mula nang naranasan niya ang unang dampi ng kanyang autonomiya, at ngayon, nagsusulat siya ayon sa kagustuhan niya—walang humpay, na tila ba isa siyang makina mula sa panahon ng dekada dalawampu na nilikha para pagtagpuin ang mga kalat ng nakalipas at ang lumalaking pangangailangang komersyal ng ‘sang bumabangong bansa.
Naiintindihan niyang hindi siya ’sang bansa, na isa lamang siyang kwentista na ang tanging ligaya ay nagmumula sa payak na pagkukuwento. Ngunit, hindi lingid sa kaniya ang mga rehiyong naka-ukit sa bawat heometriya ng kaniyang kalamnan at balat. Alam niyang ang mga linya na nagsasaad ng ugnayan sa pagitan ng kaniyang mga siko at braso o mga daliri at mga kamay ay ‘di-lamang mga payak na linya o mga tupi para siya’y makagalaw: Sila, tulad ng nararamdaman niya, sa mga rusing na ibinigay ng mga magulong digmaan at sa mga tira-tira ng nakalipas, ng pagdarahop, ni Mikaela.
Ngunit ang mga bagay na iniiwasan ng mga tao ay ang siya ring mga bagay na gumugulo sa kanila. Ang mga ‘to, sa kabilang banda, ay hindi magpapakilala tulad sa una nilang pagtatagpo, ngunit sa anyo ng isang metaporang ‘di na kailangang hukayin pa.
“Ikaw pala si Mityenka,” sabi ng bagong binibini. “Gusto ko ‘yung salamin mo—wala lang.”
Ngumiti siya, ‘di dahil ang babae sa harap niya ay walang dudang nagtataglay ng ganda, kundi dahil sa ilalim ng salaming lamesa sa pagitan nila ay ‘sang kamay na may dalawang mga daliring maalindog na humahawak sa isang pamilyar na bagay: isang sigarilyo mula Cuba.
…
Siyam, mga sagot na ‘di pa natin alam
Kahapon, pinaluha ako ng siyam na mga bagong taong nakilala ko.
Wala silang kasalanan, siguro sadyang matalim lang ang hatid ng pagbabalik sa kinakalawang nang nakaraan. O talagang nangangalabit lang ng lumbay ang pagsagwan sa kahapong ayaw mo nang balikan.
Anim, pito, walong mahahabang mga taong pagbabalik sa agiw ng nagdaan, naalala ko ang mga bagay na tinalikuran ko noon:
adbokasiya;
mga buto-butong ipinaglalaban na ‘di pa tinutubuan ng laman;
mga balangkas ng sigwa.
Hindi kita iniwan dahil natakot ako.
Kundi dahil nagbago ang laman ng puso ko,
at kung paano nito gustong tahiin ang mga dinaramdam nito:
sa panulat, sa anyo ng mga nobela kong walang nagbabasa at nakakakilala.
At paulit-ulit kong sasabihin sa’yo: walang duda, nagbago ako—at sino bang hindi?
At gusto kong paulit-ulit mong damhin ang bulong ko sa mga tenga mo—tulad na lang kung paano ko inaalay ang mga tula na sinusulat ko para sa’yo noon: kawangis noon, hanggang ngayon, handa pa rin akong mamatay para sa pinaniniwalaan ko, sa mga pinaniniwalaan natin noon
—dahil matagal na nitong inangkin ang buhay ko.
Siyam na mga bagong tao.
Anim, pito, hindi mabilang na mga taon.
Daluyong.
Paniniwala.
Siyam.
Paulit-ulit na pagtingin sa mga daliri
at walang katapusang pagbibilang.
Mga sagot na ‘di pa natin alam.
Totoo,
Nagbabago ang anyo ng puso,
pero hindi ang kaluluwang nagmamay-ari nito.
Posted in buhay, libido at likido, Uncategorized
Leave a comment
A ‘Free’ Novel: Lila ang Kulay ng Pamamaalam | 12.26.12
Anim na araw mula ngayon, sa December 26, 2012, pwede mo na siyang i-download nang libre rito.
Tungkol sa Lila ang Kulay ng Pamamaalam, Sa Pagiging Libre Nito
Siguro lahat naman ng nagsusulat, ang makita ang sariling pangalan sa pisikal at papel na libro ang validation na pwede na niyang sabihin sa sarili niyang totoo na siyang manunulat. Saka na ang readership at following, saka na ang sales. Gan’to kasi ako. Noong una kong sabihin sa sarili ko na balang araw makakasulat ako ng mga nobela, na gusto kong magsulat, ‘yung imahe ng librong may magandang cover at pangalan ko ang isa sa mga unang pumasok sa isip ko. Tapos hahawakan ko ‘yung libro, aamuyin ko ang mga pahina nitong pinapadaan ko sa daliri ko, sa hinlalaki ko.
Kaya nang natapos ko ang una kong nobela—2006 ‘yon—excited na pinakalat ko ang manuscript ko sa mga paborito kong publishers. Kaso na-reject ako sa napakadaming dahilan: kulang pa sa kasanayan, masyadong mahaba at maraming pages para sa isang nagsisimulang writer, bastos at ‘di napapanahon ang napiling theme, at nito ngang huli, hindi “literary”. Eto ang naging kapalaran ng tatlong naunang mga nobelang naisulat ko. Pero nirerespeto ko ang mga publisher. Alam ko na kahit baliktarin ko ang mundo, hindi magbabago ang katotohanang negosyo pa rin ang pag-iimprenta ng libro. Kahit ako siguro, kung sakaling meron akong sariling publishing house, hindi ko rin ililimbag ang mga writer na hindi pasok sa panlasa at paniniwala ko. Isa pa, hinulma ako ng mga realistic at straightforward nilang opinyon tungkol sa manuscript ko—sa maiksing salita, marami akong natutunan sa kanila, at naging daan sila para magpatuloy na mag-aral, matuto, at magsulat.
Hindi ko sinasabing narating na ng panulat ko ang perfection, dahil hindi naman mangyayari ‘yon, at sobrang malayo pa’ko do’n. Pero sabi nga nila, sino pa bang magtataguyod ng nobela mo kundi ikaw rin. Hindi na raw uso ang recluse/reclusive/elusive ngayon, (Si Ms. Samantha Sotto yata ang nagsabi nito o si G. Eros Atali sa GMA news, Lifestyle section) lalo na sa panahong naghihingalo ang eksena ng panulat sa Pilipinas. Kaya kinapalan ko ang mukha ko. Sinubukan kong pasukin ang self-publishing. Tiniis ko ang gutom at nag-ipon ako. Nagtrabaho sa umaga at gabi at kumuha ng kung anu-anong writing sideline para kahit papaano, maabot ko ang target number of books ko. Nagsulat ng speech para sa ‘di ko namang kilalang groom at magulang ng bride, ng script para sa mga pang-mayayamang event na ‘di ko akalaing mapupuntahan ko, ng ads ng mga brand na wala sa hinagap ko na makakatrabaho ko, at mag-review ng mga gadget na wala naman ako. Pero mapagbiro at sira-ulo ang tadhana. Kung kailan naman naipakalat ko na na maglilimbag ako ng sariling nobela ko, doon naman nagkasabay-sabay ang lahat ng delubyo: iniwan ako ng mga editor ko, tinalukbungan ako ng mga problemang masasagot lang ng pera, naubos ang naipon ko, at unti-unting dumulas sa kamay ko ang mga trabaho, ‘wag na nating isama ang mga problema sa printing press. Kaya ngayon, mauurong muna ang plano kong mag-self publish. Pero ‘di ko tatalikuran ang mga tao na nag-abang sa nobelang wala akong ideya kung masasakyan nila. At gano’n din sila na naglaan ng seryosong oras para punahin—o i-review—ang manuscript ko.
Kaya nagdesisyon ako na sa ngayon, kahit noong una nagdalawang-isip ako dito, na ipamahagi na nang libre ang Lila ang Kulay ng Pamamaalam, ang nobelang naisulat ko noong 2008. Oo, pwede mo nang i-download nang libre ang nobelang tinutukoy ko.
Ang totoo, kung ako ang tatanungin, hindi ko alam kung ano ang iisipin ng mga tao sa ginawa ko. Alam ko may magtataas ng kilay, may hindi matutuwa. Isipin mo, isang hindi kilalang nagsusulat na wala man lang kaibigan kahit isang accomplished writer, o hindi pa nakakuha kahit kailan ng award, o nakapag-publish man lang ng short story sa kahit anong literary magazine, magpapakalat nang libre ng nobela sa Internet. Ngingiti na lang ako, kakapakalan ang mukha, at ngingiti ulit. Dahil napatunayan kong higit pa sa recognition o pera ang dahilan kung bakit ako nagsusulat.
So sana, next year, sa 2013, makita ko nang isang printed book ang Lila.
Oo nga pala, pwede mo ring ipakalat, i-share, ipabasa, sa lahat ng kaibigan mo ang nobela ko. Hindi ako magagalit. Mas matutuwa pa nga ako, e.
Salamat sa panahon mo.
Anim na araw mula ngayon, sa December 26, 2012, pwede mo na siyang makuha nang libre rito.
nauulit-ulit din
Kung magiging mag-isa tayo sa kalawakan,
ang totoo, ayokong kasama ka.
Ayokong taglayin mo ang lamig
—hindi ng walang limitasyong
uniberso ng patlang sa paligid natin—
kundi ng pag-iisa,
sapagka’t batid kong
hindi ako ang nais
mo ditong makapareha.
‘Di ba’t higit pa ‘yon
sa pinaka-malamig na pag-iisa?
Mas nanaisin ko na lang siguro
na pagmasdan ka sa malayong itaas
sa halip na magpaiwan ako
kasama mo sa patag na lupa
—dahil kahit magtabi pa
tayo diya’y
alam kong ‘di ka naman
mahahagip nitong mga daliri
kahit isang dipa
o pulgada.
Ano pa nga bang silbi ng ‘di makitang distansiya
kung ‘di rin lang ikaw ang kasama?
Ngunit kung magiging mag-isa ako sa kalawakan,
alam ko
—sigurado ako—
ikaw ang pilit na hahanapin
ng katawan kong ‘di hihinto
sa paghahanap ng sapin
sa gitna ng gabing sinalangguhitan
na yata
nang madiin ang pariralang
nagsasabing
wala akong kapiling.
Tapat nga ang librong binabasa ko:
na ang lumbay,
tulad ng maligalig na dalaw ng hangin,
ay nauulit-ulit din.
Si Girlie Policarpio ng Powerbooks Shangri-la
Duda ako kung matatandaan pa niya—matagal na kasi ‘yon, e—pero nu’ng una ko siyang nakita, napagkamalan niya ‘kong Hapon: binati niya ‘ko sa wikang Ingles, sa pinakamagalang na tono na pwedeng ibigay ng isang bookstore clerk sa isang customer na tulad ko. Natawa ako, pero tuloy pa rin siya sa customary dialogue niya, at natawa na rin siya nang sabihin kong Pinoy ako, na marunong akong mag-Tagalog, na hindi ako Japanese ‘tulad ng inaakala niya. Humingi siya ng sorry, tapos sinabi ko na wala ‘yon, na ayoko ng tinatawag na sir, na okay na sa’kin ang pare o pards. Ngumiti siya.
Matagal ulit bago ko siya nakita. Una na sigurong dahilan ‘yung distansiya ng Shangri-la sa tinitirhan ko, at dahil bibihira lang akong mapadpad sa parteng ‘to ng mundo. Pero sa pangalawa, pangatlo, pang-apat na beses ko siyang nakita, wala nang naganap na pag-uusap tulad nu’ng una—bumili lang ako ng libro, sinuklian niya ‘ko, nagpasalamat siya sa magalang na wikang Ingles, at ako, nagpasalamat din, nagpaalam, at siya, bumalik sa trabaho niya. Hindi ako sigurado kung Pilipino na ba’ko sa mga mata niya nang mga oras na ‘to. O kung naalala niya pa ‘ko.
Pero ako, hindi ko na yata siya malilimutan. ‘Yung pangalawa sa huli ko siyang nakita, may nangyari. Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko sa online account ko na na-doble ang charge sa’kin ng bookstore—EPS kasi ang ginamit ko, at naisip ko, normal lang naman sa mga ganitong transaction ang ganitong pangyayari. Napapagod din ang teknolohiya, pumapalya. Kaya tinawagan ko ‘yung number sa resibo, at ang nakasagot, isang babae, ka-boses ng kaisa-isang babae sa branch na ‘yon, nagpakilalang Girlie Policarpio.
Wala namang espesyal sa kwento na ‘to. Nag-sorry s’ya sa’kin nang ilang beses dahil s’ya daw ang nag-swipe ng card, pero sabi ko ‘di niya kasalanan ‘yon. Na kung ikakatanggal niya sa trabaho ‘yung nangyari, okay lang sa’kin na kalimutan na lang ang lahat, na ipaubaya na lang sa karanasan ang lahat. Alam ko ang halaga ng “trabaho” kaya naiintindihan ko ang posisyon niya. Pero hindi siya pumayag. Tinulungan niya ko sa lahat, sa pagre-report sa management ng nangyari, sa pag-eemail, sa pag-follow up sa banko at sa management, sa pagbibigay ng iba pang alternative means para mas mapabilis ang solusyon. Sa loob ng dalawang linggo kong paghihintay sa resulta ng rebate, ilang beses niya kong tinawagan para i-update ako sa kung anumang nakuha niyang info sa banko at management. Siyempre, ang nakakatuwa dito, sa dulo, nakuha ko ‘yung refund ko, pero mas kinatuwa ko ‘yung ginawa ni Girlie—‘yung pag-ako ng responsibilidad na lampas pa sa deskripsiyon ng trabaho niya, sa pagbibigay panahon para maibalik sa’kin ‘yung perang bagamat hindi naman kalakihan e mahalaga sa’kin. Dahil kung ibang empleyado ‘yon, pwede na nila akong ibaon sa limot, na parang walang naganap. Naisip ko, mahal n’ya ang trabaho niya, ang ginagawa niya.
Kanina nakita ko ulit siya. Tinanong ko siya kung s’ya ba si Girlie. Sabi ko ako ‘yung tinulungan niya. Ngumiti siya, magalang na sinabing “Ikaw po pala ‘yon, sir!”, at pinaghatian namin ang saglit na oras sa pagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari. At kanina, sa huling pagkakataon, tinulungan niya ‘ko ulit. ‘Tapos nito, nagpasalamat ako at nagpaalam. Masaya ako dahil hindi na niya ko napagkamalang hindi Pilipino.
Ngayon, habang walang tumatakbo sa isip ko kundi ang kwento ng pagtulong n’ya sa’kin, at dahil na rin ‘di ako makalabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan, hindi naman siguro kalabisan kung ik’wento ko s’ya rito sa inyo. Wala namang masama, ‘di ba? Isa pa, ‘di ko alam kung makikita ko pa siya, dahil mas malikot pa sa ulan ang utak ng tadhana, na may mga bagay talaga na bilang lang sa daliri ang pagtatagpuin niya. Kaya kung sakaling mapadaan ka sa kaniya, kung makita mo siya, pakisabi na nagpapasalamat ako sa kaniya, na nagsulat ako tungkol sa kaniya, para sa kaniya.
to spite me.
To spite me. She had done that to spite me. I did not know a lot of things, but this I knew for sure. Perhaps because I knew her well, or we knew each other well, like how aqueducts feel so useless in the absence of pipes and ditches: I was the bridge and she was the pipe; this night the water. And the water: yes, I felt so thirsty when she had uttered her silent good-bye, turning her back on me without even saying a word. Thirty-three minutes ago she had been here, but in between every passing minute I’d had this feeling that I’d never really felt her absence. Her wool jacket, so unbefitting for this sultry rainy night, was hanging unsteadily by its left arm on a wooden chair at the dining table. Her favorite Cecilia Bartoli and Sylvia Sass records were still beside the LP player—unopened, and waiting to be opened as Charlie Parker caressed the evening—since I had pretended I was busy wiping my eyeglasses with a cheap chamois when she’d asked me if I could play the records she had plundered from her mother’s collection (that was my way of saying that I was not into opera, and that this turntable was created only for playing jazz records). Next to the door was her dripping umbrella, creating puddles and additional chores I needed to accomplish, and atop her haphazardly folded denim jeans was the Francis Kurkdjian incense paper she’d brought here with the purloined opera vinyl for reasons known only to her, motives hidden behind her unblinking stare, her unfathomable gesture. Her fragrance still clung on every clingable article in this dilapidated room, spritely caulking all the corners not only of this room but of my quavery senses as well—the notches on my back, the creases on my fingers, the way I heard notes, the way I saw things. Things—like her very presence. She was still here, yes, that I knew for sure. She was still here, like her lipstick etched on the wine glass or her scrunchie on the windowsill and how it added grace on my unembellished windowpane. And outside the window were symmetrical rain and romantic stars. O rain and stars, I was quite sure it was not love. She just ripped my body asunder.
Posted in EOY Editing exercises
1 Comment
sa uniberso ng gutom (5)
Hindi ka natatakot dahil ‘di ka naman talaga nag-iisa. May mga nauna ka nang mambabasa at kahit papa’no natuwa naman sila. Meron ding nagtaka, hindi naniwala, nagduda, nasuka—pero ‘di ba mas importante na naglaan sila ng oras sa apat na raang mga pahinang ilang taon mo ring kinarga? Nag-iisa ka at nauubos na ang pera, kumakalam ang tiyan at dumadami ang kalaban. Pero ikaw, hindi mo naman ginagawa ‘to para mapabilang sa kanila, ‘di ba? Gusto mo lang magkwento, at higit sa lahat, tumupad sa pangako.
Lantay na abo ang karakas ng simboryong pinagbabarasan ng asul na buwan, sa ‘di makitang agos ng uniberso ng gutom ‘di ka titigil sa pagsagwan.
Habang ika’y pinagtatawanan, magpapatuloy ka sa pagsagwan. Aamuin mo ang mga gusot na patlang, maniniwala ka sa dikotomiya ng laman.
Hindi ka nagkamali: asul ang buwan.
Walang Kamatayan ang Musikang Pilipino
At ito ang sasabihin ko sa’yo:
ang pulso at hininga ng isang bagay
ay hindi lamang nasusukat sa
mga bagay na nakikita mo.
May musika sa mga kanto,
sulok at anggulong
lingid sa’yo.
At kahit kailan
‘di ‘to maririnig ng aninong
hindi kumikilala rito.
Ito ang paniwala ko,
maging sa literaturang
kinasasandalan ko.
Kamatayan.
Para lang ‘to sa mga
sumuko na rito.
Pero sa respeto
—pwede naman siguro tayong
magtagpo rito.
Posted in hindi musika, libido at likido, malayang berso
Leave a comment
sa ngayon, ito lang alam ko.
Isa lang ang alam ko:
Lumipas na nga ang mga araw at taon,
kulang na nga lang
pangalanan natin ang panahon
tulad ng ginagawa natin noon.
Pero hangga’t wala ka rito sa tabi ko
lahat ng alam ko,
mauuwi lang sa hula
ayon sa kagustuhan ko.
Noon, sabay nating isinuko ang mga pantalon nating baston
at mga bota nating kulay kahon.
Nilatag natin sila sa siga,
pinagmasdan ang tipanan
ng usok
sa luntiang simboryong
lumulukob sa’tin.
Pero iniwan natin ang mga pintadong salamin
sa mga mata natin
—at suot ko pa rin ‘to hanggang ngayon.
Pero bakit gano’n,
napag-iwanan na ba talaga tayo ng mga librong
sabay nating binasa no’n,
ng mga silid-aklatang
pinagkublihan natin
ng berso’t bulong,
at ng mga musikong
nakangisi nating sinundan
hanggang sumapit
ang dapit-hapon?
Ito lang ang alam ko:
Pantasmagoria,
multo,
o mga bagay
na hindi nagkatotoo
—pare-pareho lang silang
nagpapa-alala sa’kin ng kawalan mo.
Posted in libido at likido, malayang berso, RM Topacio-Aplaon
2 Comments



