Siyam, mga sagot na ‘di pa natin alam

Kahapon, pinaluha ako ng siyam na mga bagong taong nakilala ko.

 

Wala silang kasalanan, siguro sadyang matalim lang ang hatid ng pagbabalik sa kinakalawang nang nakaraan. O talagang nangangalabit lang ng lumbay ang pagsagwan sa kahapong ayaw mo nang balikan.
Anim, pito, walong mahahabang mga taong pagbabalik sa agiw ng nagdaan, naalala ko ang mga bagay na tinalikuran ko noon:
adbokasiya;
mga buto-butong ipinaglalaban na ‘di pa tinutubuan ng laman;
mga balangkas ng sigwa.

 

Hindi kita iniwan dahil natakot ako.
Kundi dahil nagbago ang laman ng puso ko,
at kung paano nito gustong tahiin ang mga dinaramdam nito:
sa panulat, sa anyo ng mga nobela kong walang nagbabasa at nakakakilala.
At paulit-ulit kong sasabihin sa’yo:  walang duda, nagbago ako—at sino bang hindi?
At gusto kong paulit-ulit mong damhin ang bulong ko sa mga tenga mo—tulad na lang kung paano ko inaalay ang mga tula na sinusulat ko para sa’yo noon: kawangis noon, hanggang ngayon, handa pa rin akong mamatay para sa pinaniniwalaan ko, sa mga pinaniniwalaan natin noon
—dahil matagal na nitong inangkin ang buhay ko.

 

Siyam na mga bagong tao.
Anim, pito, hindi mabilang na mga taon.
Daluyong.
Paniniwala.
Siyam.
Paulit-ulit na pagtingin sa mga daliri
at walang katapusang pagbibilang.
Mga sagot na ‘di pa natin alam.

 

Totoo,
Nagbabago ang anyo ng puso,
pero hindi ang kaluluwang nagmamay-ari nito.

 

 

 

 

 

 

 

About these ads
This entry was posted in buhay, libido at likido, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Libido a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s